[email protected]

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos: Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon

Home|Friday Paraliturgy|Pagpapahayag ng Salita ng Diyos: Ika-27 Linggo ng Karaniwang Panahon

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Unang Pagbasa (Gn 2:18-24)

Nilikha ng Diyos ang lalaki at ang babae para sa isa’t isa; sa kasal, sila’y kanyang pinag-isa.  Sa ebanghelyo, binibigyang-diin ni Hesus ang kaloobang ito ng Diyos sa pagbabawal sa diborsiyo.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

SINABI ng Panginoong Diyos:

“Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.”  Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon.  Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila.  Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap.  Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.

         Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao.  Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon.  Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki.  Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang siyang itatawag sa kanya sapagkat sa lalaki nagmula siya.”  Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.

— Ang Salita ng Diyos. 

B – Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 127)

T –    Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman.

  1. Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot, ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.  Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan, ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.  (T)

2.      Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.  Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.   (T)

3.      Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.  Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.  (T)

4. Ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay abutin, nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel! (T)

Ikalawang Pagbasa (Heb 2:9-11)

Sa pagiging tao at pagdanas ng kamatayan, naging tunay na kapatid natin si Hesus.  Muli niya tayong inaakay sa pag-ibig at buhay ng Diyos Ama.

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

MGA KAPATID, alam nating si Hesus, bagamat sandaling panahong pinababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan at kadakilaan dahil sa kanyang pagkamatay.  Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob niya na si Hesus ay mamatay para sa ating lahat.  Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya’y pinapaging-ganap ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, upang makapagdala ng marami sa kaluwalhatian.  Marapat lamang na gawin niya iyon sapagkat si Hesus ang pinagmumulan ng kanilang kaligtasan.

         Si Hesus ang nagpapabanal sa kanila, at iisa ang ama ng nagpapabanal at ng pinapaging-banal.  Kaya’t hindi niya ikinahiyang tawagin silang mga kapatid.

— Ang Salita ng Diyos. 

B – Salamat sa Diyos.

Aleluya

B – Aleluya! Aleluya! Sa pagmamahalan natin ang D’yos ay ating kapiling, pag-ibig n’ya’y lulubusin. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Mc 10:2-12)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

B – Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus.  Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”  Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?”  Sumagot naman sila, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.”  Ngunit sinabi ni Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito.  Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya silang lalaki at babae.  Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asaw, at sila’y magiging isa.’  Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa.  Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

         Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito.  Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya.  At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B – Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

10 Comments

  1. Great blog here! Also your site loads up very fast!
    What host are you using? Can I get your affiliate link to your host?
    I wish my website loaded up as quickly as yours lol

  2. What’s up, this weekend is pleasant designed for me, as this
    time i am reading this fantastic informative paragraph
    here at my home.

  3. Hi, Neat post. There is an issue together with your website in internet explorer, could test this?

    IE still is the marketplace chief and a big component
    of folks will leave out your great writing because of this
    problem.

  4. Nice post. I was checking continuously this weblog and I’m impressed!
    Very useful information particularly the closing part :
    ) I handle such information much. I used to be looking for this particular information for a long time.
    Thank you and best of luck.

  5. Pretty component of content. I just stumbled upon your
    web site and in accession capital to assert that I acquire actually enjoyed account your weblog
    posts. Anyway I will be subscribing for your feeds and even I fulfillment you get entry to consistently
    rapidly.

Post Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *