[email protected]

Announcements

Home|Announcements|Announcements

FILCOM ANNOUNCEMENTS

5 May 2024

Ang Filipino Community ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mga Nanay, Ina, Mommy at Mama para sa pagdiriwang ng Mothers’s Day sa darating na Mayo 12, 2024, Linggo, 12:30pm. Magkakaroon din po ng pagbabasbas para sa mga dakila at minamahal nating mga Nanay sa harap ng opisina ni Fr. Leny Escalada, OFMCap pagkatapos ng Banal na Misa.

Ang tema po ng ating Mother’s Day celebration ay INA: Minamahal, Ginagalang, Pinaparangalan

Iniimbitahan din po ang lahat para sa pagdiriwang ng Flores de Mayo 2024 na may temang,  Maria: Modelo ng Panalangin -Tagapamagitan ng Biyaya at Grasya.

Kasama po sa programa ang Marian Teaching for Adults, Marian Teaching for Kids at ang Santacruzan.

Ang zoom link po ay ipapaalam ilang araw bago ang Marian Teaching for Adults.

Magkakaroon po ng online registration at ipapaalam po ito ilang araw bago ang Marian Teaching for Kids.