[email protected]

Maging Emmanuel Sa Pasko

Home|Featured|Maging Emmanuel Sa Pasko

Mga kapananampalataya at kadebosyon, ang Pasko ay pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos. Ang Pasko ay  pagsilang ng Anak ng Diyos mula sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria.

Ang Pasko ay ang Emmanuel, ang Diyos sa piling natin.

Sa lahat po ng ating naranasan at napagdaanan sa ating buhay, lalong-lalo na sa nakaraang dalawang taon sa panahon ng pandemya, kainlanman ay hindi po tayo pinabayaan, hindi po tayo iniwanan ng Diyos. Siya ay kapiling nating sa lahat ng ating tagumpay at kabiguan, sa ating hapis at kaligayahan, sa ating sakit at kagalingan, sa kaguluhan at kaayusan, sa hirap at kaginhawaan sapagkat tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako; sapagkat tapat ang Diyos sa Kanyang pagmamahal sa atin.

Nawa’y ang Paskong ito ay kayo rin ay maging Emmanuel sa ating kapwa, maging presensiya ng Diyos sa bawat isa.

Maligaya at Mapagpalang Pasko po sa ating lahat.

– Fr. Leny S. Escalada, OFMCap, SMCC Filipino Community Servant Priest