[email protected]

Ano nga ba ang Visita Iglesia?

Home|Lent|Ano nga ba ang Visita Iglesia?

Isang debosyon ng mga Katoliko

Ang Visita Iglesia ay isang debosyon ng mga Katoliko sa panahon ng Kuwaresma na kung saan sa hapon ng Huwebes Santo pagkatapos ng Mass of the Lord’s Supper, ang mga nagsisipanampalataya ay bumibisita sa magkakalapit na simbahan.

Noong unang panahon ang mga deboto nito ay dumadalaw sa pitong simbahan para magdasal sa Blessed Sacrament. Maaring ito’y nag-umpisa sa Roma na kung saan ang mga mananampalataya ay dumadalaw sa pitong Roman Basilica para pagnilayan ang pagpapakahirap at kamatayan ng Panginoong Hesus.

Ang Daan ng Krus ay isang paglalakbay ng mga Kristiyano para tularan ang Via Dolorosa, ang Daan ng Pagpapakahirap ng Panginoon, sa Jerusalem. Ang mga Franciscans, bilang mga custodian ng Holy Land, ay nagtatag ng mga banal na lugar para sa mga nagsisilakbay upang sundan ang mga lugar na tinahak ng Panginoong Hesus.

Noong 15th and 16 centuries, gumawa ang mga Franciscans ng duplicates ng mga dambana sa labas ng Jerusalem. Noon 1731, pinayagan ni Pope Clement XII na magkaroon ng labing-apat na dambana o istasyon na itinatag lamang ng mga Franciscans. Sa bawat istasyon ay dapat merong krus na yari sa kahoy at ang mga ito’y binditado ng mga kinalaman lamang.

Visita Iglesia sa Pilipinas

Sa Pilipinas naman, ang Bisita Iglesia ay dala ng mga misyonaryong Augustinians noong era 1560. Sa kalaunan ang debosyon ay hindi na lang para magdasal sa Blessed Sacrament kundi para pagnilayan ang labing-apat na Istasyon ng Daan ng Krus sa panahon ng Kwaresma. Minsan ang mga tapat-na-loob ay may dala-dalang krus. Sa bawat simbahan, isa o dalawang istasyon o kung anong nararapat ayon sa numero ng simbahang bibisitahin ang dinadasal.

Sa ating mga Pilipino ngayon, ang Bisita Iglesia ay isang paglalakbay ng mga tapat-na-loob sa pito o labing-apat na simbahan para pagnilayan ang labing-apat na istasyon ng daan ng Krus ni Hesus. Ito’y isang pagpapakita ng taos sa pusong pagsisisi sa kasalanan at paghahanda sa Paskó ng pagkabuhay. Sa bawa’t simbahang dinadalaw, ang mga mananampalataya ay nagbibigay din ng love offering bilang pakikisama sa mga nangangailangan sa simbahan.

Ito ang ating ginawa noong Biyernes Santo. Ating binisita ang mga labing-limang pinakalumang simbahan sa Pilipinas kasabay ng pagdarasal ng Daan ng Krus.

 

 

Post Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *