[email protected]

MANALANGIN TAYO

Home|Panalangin ng Bayan|MANALANGIN TAYO

Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) — Luntian

05 Pebrero 2023

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

P – Mga kapatid, ngayon, tinatawag tayo ng Panginoon upang maging asin at liwanag ng mundo. Hingin natin ang biyaya sa Diyos tungo sa pagtatatag ng Kanyang Paghahari. Ating itugon:

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L Para sa Simbahan, maging liwanag nawa sina Papa Francisco, mga obispo, mga pari, mga diyakono, at mga layko, habang kanilang sinasalamin ang Iyong liwanag sa kanilang pagpapasya at paglilingkod sa isa’t isa.  Manalangin tayo

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L – Para sa bansang UAE at mga namununo nito, patuloy Mo po silang pagpalain sa kanilang bukas-palad na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga dayuhan lalo na sa aming mga Overseas Filipinos. Manalangin tayo:

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L – Para sa lahat ng mga lingkod-bayan, magsilbing liwanag nawa ang kanilang paglilingkod sa bayan para sa lahat ng mga mamamayan. Manalangin tayo

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L – Para sa mga Overseas Filipinos, magsilbi nawa silang liwanag at pag-asa sa bawat isa, sa pamamagitan ng maayos na pamumuhay sa pagtupad sa mga pangarap para sa mga mahal sa buhay.  Manalangin tayo

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L – Para sa aming mga kapatid na biktima ng human trafficking, tulungan Mo kaming gumawa ng mga kongkretong hakbang upang labanan ang sistema’t mga gawaing sanhi upang maipangyari itong pang-aalipin sa kapwa-tao. Manalangin tayo:

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L – Para sa aming mga yumaong mahal sa buhay, salubungin Mo muli silang umaasang humimlay sa Iyong walang hanggang liwanag.  Manalangin tayo:

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

L – Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling mga kahilingan. (Tumahimik)  Manalangin tayo:

“Ama, Ikaw ang Liwanag ng aming buhay.”

P – Gabayan Mo kami sa Iyong liwanag, O Ama, upang amin ding maakay patungo sa Iyo ang lahat ng taong may mabuting kalooban at ang buong sangnilikha. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, ang aming Panginoon

B  – Amen.