[email protected]

2021 Annual Retreat, Gifted OFW: Namumuhay para sa Kapwa

Home|Announcements|Featured|FILCOM Retreat 2021|2021 Annual Retreat, Gifted OFW: Namumuhay para sa Kapwa

“Mga kapananampalataya at kadebosyon, dumating na naman po ang panahon na tumigil muna tayo sumandali sa ating mga pinagkakaabalahan upang makinig, magnilay at isabuhay ang mga Salita ng Diyos. Panahon na naman po ng ating taunang Spiritual Retreat. At dahil po nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, gagawin pa rin natin ito virtually. Alam natin at ating naranasan mismo ang maraming hamon sa panahong ito.” Fr. Leni Escalada, OFM Cap.

Ano ang retreat na ito?

Ang nagmamahal na OFW ay maari ring napapagod, nangungulila, nangangamba at nanghihina at minsa’y feeling nag-iisa. At nangangailangan ng magpapalakas sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Ang retreat ay itinalagang oras upang manahimik, magpahinga, at maki-isa sa Diyos. Ilayo pansumandali ang ating sarili sa maingay, magulo at pagiging abala sa maraming bagay at namnamin ang presensya ng Diyos at pahintulutan natin ang siyang alagaan at pasiglahing muli ang ating kaluluwa.

Mga International Speakers and Preachers

Katulad ng nakaraang taon, tayo ay pinaunlakan ng iba’t-ibang tagapagsalita. Tayo’y kanilang gagabayan para mapagnilayan kung paano lumakas sa pagsunod sa yapak ni Hesus, paano nating pag-alabin ang pananampalataya para patuloy tayong magmahal ng pamilya at kapwa. At dahil tayo’y mga banyagang Pilipino sa malayong ibayo, ang retreat ay isang paraan para sumilab ang ating pagiging misyonaryong Katoliko at isabuhay ang salita ng Diyos sa tulong ng Espiritu Santo na nananahan sa ating mga puso.

Simbahang Katoliko: Maraming mukha, kulay at kultura

Bilang mga banyagang Katoliko dito sa UAE, tayo’y iisang simbahan ng Diyos. Mula Luzon, Visayas at Mindanao, tayo’y may nakagisnang iba’t-ibang kultura at wika pero kabilang sa iisang pananampalataya at simbahan. Ito’y ating maramdaman muli dahil limang simbahan sa UAE ang sama-samang maglalakbay: tayo’y may iisang Panginoon at tayo’y iisang pamilya.

Mga kapatid, markahan ang inyong mga talaarawan para sa annual retreat at ipakita ang pagkakaisa sa pagsambit ng AMEN sa Diyos: October 11-15, 7:30pm-8:30pm, www.facebook.com/smcfilipino

“Yes to God!
Yes to Mission!
Yes to our Spiritual Retreat!”
Fr. Leny Escalada, OFM Cap.

Post Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *